Nagpaabot si Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ng pasasalamat sa Relief International, kasama ang DOH, USAID, at UNICEF, sa exit call at presentation ng joint accomplishments sa City Health Office sa Sitio Talahib, Barangay Trinidad, Calbayog City.
Ipinagdiwang sa event ang matagumpay na collaboration sa last-mile covid-19 vaccination at suporta sa routine immunization programs.
Kinilala sa naturang aktibidad ang collective efforts at ang epekto ng mga naturang organisasyon sa pagsusulong ng public health at kagalingan ng komunidad.