25 April 2025
Calbayog City
National

Mataas na heat index, mararanasan pa rin ngayong Mayo pero hindi na kasing tindi noong Abril, ayon sa PAGASA

PATULOY na mararamdaman ang mataas na heat index sa ilang bahagi ng bansa ngayong Mayo, subalit hindi na kagaya ng record-high temperatures na na-monitor noong Abril.

Ayon kay PAGASA Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis, noong nakaraang buwan ay mas maraming lugar ang nakapagtala ng mataas na heat index o discomfort level.

Subalit ngayon aniya, bagaman mararanasan pa rin sa ibang lugar ang matataas na discomfort level ay hindi na ganoon karami ang mga area.

Idinagdag ng PAGASA official na posibleng maranasan simula  sa ikalawang bahagi ng Mayo ang local thunderstorms.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *