27 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Mariel Rodriguez, nag-sorry sa “Vitamin C “ drip na ginawa sa opisina ng mister na si Robin Padilla sa Senado

MATAPOS makatanggap ng kabi-kabilang batikos sa social media, humingi ng paumanhin ang actress-host na si Mariel Rodriguez sa Senado at sa publiko, makaraang isagawa ang Vitamin C drip sa opisina ng kanyang mister na si Senador Robin Padilla.

Sa statement na naka-post sa kanyang facebook, nilinaw ni Mariel na Vitaminc C drip ang kanyang tinanggap at hindi glutathione, gaya ng unang napaulat, habang binibisita ang asawa sa senado.

Sinabi rin ni Mariel na isinagawa ang naturang proseso sa ilalim ng pangangasiwa ng isang propesyunal na nars.

Binigyang diin din ng actress-host na kailanman ay hindi niya intensyon na sirain ang dignidad ng senado.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *