22 April 2025
Calbayog City
Entertainment

Maricel Soriano, dumalo sa pagdinig ng senado kaugnay ng PDEA Leaks

DUMALO  ang aktres na si Maricel Soriano sa ikalawang araw  ng hearing ng senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs sa umano’y “PDEA leaks.”

Kabilang ang veteran actress sa mga idinawit sa dokumento na umano’y listahan ng mga drug user sa bansa.

Maging si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ay pinangalanan din sa naturang PDEA file.

Sa naturang hearing ay pinayuhan ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, Chairman ng komite,  si Maricel na mag-relax at uminom ng tubig nang mapansin niyang tensyonada ang aktres.

Inamin naman ni Maricel na kinakabahan siya dahil unang pagkakataon na dumalo siya sa pagdinig ng  senado.

Inamin din nito na dati niyang pag-aari ang condo na nabanggit sa PDEA leaks.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *