PATAY sa car crash ang Marathon World-Record Holder na si Kelvin Kiptum at coach nito na si Gervais Hakizimana.
Ayon sa Kenyan Police, patungo ang grupo ni Kiptum sa Eldoret City mula sa Kaptagat nang mangyari ang aksidente.
Ang bente kwatro anyos na atleta ang nasa manibela nang mawalan ito ng kontrol hanggang sa bumaliktad ang sasakyan sa kalsada.
Dead on the spot si Kiptum at kanyang coach habang sugatan ang isang babaeng pasahero.