Ibinida ng Armed Forces of the Philippines na marami pang bansa ang interesadong magkaroon ng joint maritime activity kasama ang Pilipinas.
Ito ay kasunod ng joint military and air patrols ng Pilipinas at America sa West Philippine Sea.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon Public Briefing, inihayag ni AFP Spokesman Col. Medel Aguilar na pina-plantsa na nila ang mga alituntunin ng joint activities.
Gayunman, tumanggi muna si Aguilar na pangalanan ang mga nasabing bansa habang ito ay pino-proseso pa, ngunit kanyang tiniyak na makabubuti pa rin ito sa national interest.
Nanindigan din ang AFP official na ang joint maritime activities ay bahagi ng paggigiit ng sovereign rights ng bansa, alinsunod sa rules-based international order.