22 April 2025
Calbayog City
Metro

Manila Mayor Honey Lacuna, nilinaw na hindi sila humingi ng kapalit ni Mali sa Sri Lankan Government

NILINAW ni Manila Mayor Honey Lacuna na hindi humingi ang lokal na pamahalaan sa Sri Lankan Government ng kapalit ni Mali, na nag-iisang elepante sa Pilipinas na namatay noong Nobyembre ng nakaraang taon.

Sinabi ni Lacuna na nagpadala lamang sila ng sulat sa pamahalaan ng Sri Lanka upang ipabatid na pumanaw na si Mali, subalit wala silang binanggit na humihiling sila ng isa pang elepante.

Inihayag ng Alkalde na hindi pa tumutugon ang Sri Lankan Government sa kanilang liham.

Binanggit ni Lacuna na noong panahon ni dating Manila Mayor Isko Moreno, isang Sri Lankan Ambassador ang nagsabing sakaling may mangyari kay Mali dahil sa edad nito ay handa silang mag-donate ng isa pang elepante sa lungsod.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *