NILINAW ni Retired Chief Justice Artemio Panganiban na minor amendments lamang sa 1987 Constitution ang pinapayagan sa ilalim ng People’s Initiative.
Paliwanag ni Panganiban, tanong lang ang nakasaad sa People’s Initiative at hindi na kailangang pagdebatehan ng mga tao, dahil boboto lang sila ng “yes or no.”
Sa ilalim ng People’s Initiative Provision ng konstitusyon, maaring direktang ipanukala ng mga tao ang pagbabago sa saligang batas sa pamamagitan ng petisyon ng “at least 12 percent” ng kabuuang bilang ng registered voters ng isang lungsod o munisipalidad.
Maari rin naman amyendahan ang 1987 Constitution sa pamamagitan ng Constitutional Convention o Constituent Assembly, na ayon kay Panganiban, ay kinakailangang dumaan sa public hearings at mga debate.