INISYAL na tatlundaan at animnapung parolees at probationers ang tutulong sa pangangalaga ng heritage sites sa Eastern Visayas bilang bahagi ng hakbang ng pamahalaan na tulungan ang mga ito sa kanilang pagbabalik sa lipunan.
Sinabi ni Department of Tourism (DOT) Eastern Visayas Regional Director Karina Rosa Tiopes, na iba’t ibang heritage sites ang napili sa kolaborasyon kasama ang concerned tourism officers.
Ang initial parolees at probationers ay tinukoy mula sa limanlibong kliyente ng Department of Justice – Parole and Probation Administration (DOJ-PPA) sa iba’t ibang lalawigan sa rehiyon.
Ang probation ay isang prebilehiyong ibinibigay ng korte sa isang indibidwal na convicted sa criminal offense upang manatili sa komunidad sa halip na makulong habang ang parole ay conditional release sa isang preso bago nito makumpleto ang kumpletong sentensya.