MAHIGIT isang milyong mag-aaral ang apektado ng suspensyon ng in-person classes sa mga lugar na nakararanas ng matinding init ng panahon.
Sa tala mula sa Department of Education (DepEd), 3,954 na mga paaralan mula sa labing dalawang rehiyon ang nagdeklara ng paglipat sa alternative mode of teaching, kabilang ang modular learning at online classes, na nakaapekto sa 1,393,806 na mga estudyante.
Ang mga apektadong rehiyon ay kinabibilangan ng National Capital Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Zamboanga Peninsula, at Soccsksargen.