MAHIGIT isandaang Naval Reservists ang ide-deploy sa Batanes, alinsunod sa utos ni Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. na dagdagan ang personnel sa pinakadulong isla sa hilaga ng bansa, na nakaharap sa Taiwan.
Sinabi ni Acting Navy Public Affairs Officer, Lt. Zachary Sinsuan, na kabuuang isandaan dalawampu’t anim na reservists na pawang Ivatan o lokal na residente ng Batanes, ang dadalo sa graduation ceremony sa bayan ng Basco, sa Sabado.
Inihayag naman ni Defense Spokesperson Arsenio Andolong Jr. na ang plano ni Teodoro ay bahagi ng Comprehensive Archipelagic Defense concept ng ahensya.
Layunin nito na tugunan ang mga kahinaaan ng bansa at palakasin ang kapabilidad na ipagtanggol ang national interests.