27 April 2025
Calbayog City
National

Mahigit 100 distressed OFWs mula sa Middle East, nakauwi na sa bansa

KABUUANG isandaan tatlumpu’t dalawang Distressed Overseas Filipino Workers mula sa Middle East ang dumating sa bansa nitong weekend.

Dumating ang grupo ng OFWS lulan ng Gulf Air Flight GF154 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 mula Bahrain noong sabado.

Ang mga pinoy workers ay tinulungan ng Department of Migrant Workers at iba pang Filipino Resource Workers, gaya ng Bahay Kalinga sa Kuwait, bilang bahagi ng Overseas Workers Welfare Administration – Migrant Workers’ Office, sa pakikipag-ugnayan ng Philippine Embassy sa Kuwait.

Pagdating sa NAIA ay binigyan ng OWWA ang mga umuwing na OFW ng pagkain at pamasahe pauwi sa kani-kanilang probinsya, at hotel accommodation kung kinakailangan at financial assistance.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *