24 June 2025
Calbayog City
Provincial

Mahigit 40 pasahero ng lumubog na bangka, nailigtas sa Zamboanga City

philippine coast guard pcg

APATNAPU’T tatlong mga pasahero ng lumubog na motorized banca ang nailigtas ng mga otoridad, sa Zamboanga City.

Patungong Lanawan island sa Tabuan Lasa, Basilan ang bangka nang magyari ang insidente.

Lahat ng pasahero ay accounted for maliban sa isang anim na buwang gulang na sanggol na nakahulagpos mula sa yakap ng kanyang ina habang papalubog ang bangka.

Ayon sa mga imbestigador, posibleng overloaded ang bangka kaya ito lumubog.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *