24 June 2025
Calbayog City
National

Mahigit 60 pinoy, inaasahang uuwi sa bansa sa gitna ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Haiti

pinoy sa haiti

Animnapu’t tatlong Pilipino ang inaasahang ire-repatriate mula sa Haiti bunsod ng nagpapatuloy na panggugulo ng mga gang sa Caribbean country, ayon sa Department of Migrant Workers.

Sa statement mula sa palasyo, sinabi ni DMW Officer-In-Charge Undersecretary Hans Leo Cacdac na ang pagpapauwi sa mga pinoy ay kasunod ng approval ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo sa rekomendasyon na Alert level 3, o voluntary repatriation para sa mga Pilipino sa Haiti.

Ayon kay Cacdac, mayroong isandaan at labinlimang pinoy sa Haiti.

Naghahanap naman ang DMW ng options kung paano maisasakatuparan ang repatriation ng animnapu’t tatlong Pilipino dahil walang flights na nanggagaling sa Haiti.

Hindi rin inirerekomenda ang land travel sa kabisera na Port-Au-Prince bunsod ng gang activities.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *