PORMAL na ipinakilala ng 43rd Infantry “We Search” Battalion ng 8th Infantry “Stormtroopers” Division ang mga dating miyembro ng New People’s Army bilang mga bagong Peacebuilders sa lokal na pamahalaan at sa komunidad, sa headquarters ng 43IB, sa Barangay Magsaysay, Lope de Vega, Northern Samar.
Dalawandaan tatlumpu’t apat na mga miyembro ng batikang organisasyong pangpartido at yunit militia ng CPP-NPA-NDF ang sumuko kamakailan at tinalikuran ang armadong pakikibaka.
Dalawampu’t dalawa sa mga ito ay mula sa munisipalidad ng Bobon; animnapu’t dalawa mula sa Victoria; animnapu’t walo mula sa San Isidro; labimpito mula sa Catarman; dalawampu’t pito mula sa Lope de Vega, sa Northern Samar; at tatlumpu’t walo mula sa Calbayog City sa Samar.