Mahigit dalawang milyong international visitors ang dumating sa Pilipinas ngayong Abril.
Batay sa monitoring data ng Department Of Tourism (DOT), as of April 24, kabuuang 2,010,522 international visitors ang pumasok sa bansa.
Binubuo ito ng 94.21 percent na mga dayuhang turista at 5.79 percent na overseas Filipinos.
Mas mataas din ito ng 15.11 percent kumpara sa international arrivals na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na nasa 1,746,630.
Nananatili ang South Korea sa top source market ng Pilipinas na mayroong 27.19 percent o 546,726 arrivals; sumunod ang US, China, Japan, at Australia.