MAHIGIT isanlibo apatnaraang Pulis ang ipinakalat sa Maynila kaugnay ng pagdiriwang ng Chinese New Year, sa Sabado.
Ayon sa PNP Public Information Office, simula pa noong Jan. 26, ay mayroon nang 1,457 personnel na idineploy sa Maynila.
Kabilang sa binabantayan ng PNP Personnel ang Meisic Street Food Fair na tatagal hanggang Feb. 15.