AABOT sa 1,260 grade 1 students mula sa iba’t ibang paaralan sa Tacloban City ang tinukoy para sumailalim sa tutorials sa ilalim ng “Tara, Basa!” Program ng pamahalaan.
Ipatutupad ang programa sa dalawampung public schools sa lungsod simula sa may 19 hanggang June 23 o dalawampung araw ng bakasyon sa summer.
ALSO READ:
Karagdagang Potential Geosites sa Northern Samar, tinukoy ng mga eksperto
DSWD, nagbigay ng 24.8 million pesos na ayuda sa mga pamilyang naapektuhan ng Bagyong Tino sa Eastern Visayas
Helicopter ng Air Force, nag-emergency landing sa Southern Leyte
Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa State of Calamity dahil sa Bagyong Tino
Sa ilalim ng programa, ang mga tinukoy na mag-aaral na mabagal o hindi pa makabasa ay tuturuan ng college student sa loob ng dalawang oras kada isang araw.
Babayaran ang tutors ng 405 pesos kada araw ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na implementing government agency ng programa.
