NAKA-preposition na ang mahigit labing isanlibong Family Food Packs (FFPS) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga strategic areas ng Eastern Visayas, para sa mga maaapektuhan ng tagtuyot.
Ayon kay DSWD Regional Information Officer Jonalyndie Chua, ang stock ng food supplies na nagkakahalaga ng 127.58 Million pesos ang magbibigay ng katikayan sa mas mabilis na delivery ng relief goods, sa sandaling maranasan ang epekto ng tagtuyot sa anim na lalawigan sa Eastern Visayas.
Nakaimbak ang FFPS sa mga warehouse sa mga bayan ng Allen at Biri sa Northern Samar; Jipapad, Taft, at Guiuan sa Eastern Samar; Almagro at Santo Nino sa Samar; at Sogod sa Southern Leyte.
Ang bawat Family Food Pack ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, apat na lata ng corned beef, apat na lata ng tuna flakes, dalawang late ng sardinas, limang sachets ng kape, at limang sachets ng cereal drinks.