MAHIGIT isandaang manok sa isang poultry farm ang nangamatay, sa General Santos City, sa nakalipas na buwan ng Marso.
Ayon sa report, mahigit sampung manok o sisiw ang namamatay kada araw dahil sa matinding init.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ng mga hakbang ang mga may-ari ng mga poultry farm sa lugar upang malagpasan ng kanilang mga alagang manok ang sobrang init ng panahon.