IBINIDA ng Department of Tourism (DOT) na mahigit 1.2 Million International Visitors ang dumating sa Pilipinas sa unang dalawang buwan ng 2024.
Ayon sa DOT, mas mataas ito ng 22.89 percent kumpara sa naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco na isa itong indikasyon ng matatag na turismo para sa hinaharap.
Pinakamarami ang bumisita mula sa South Korea na naitala sa 349,956; sumunod ang Amerika, China, Japan, at Canada.
Una nang inanunsyo ng DOT na target nilang maabot ang 7.7 million na international visitors ngayong 2024.