26 March 2025
Calbayog City
National

Luzon Grid, posibleng makaranas ng “Yellow Alert” sa Abril at Mayo

POSIBLENG magdeklara ng “Yellow Alert” sa Luzon sa mga susunod na buwan bunsod ng epekto ng El Niño sa Hydroelectric Power Plants.

Sa statement, sinabi ng Department of Energy na batay sa kanilang latest simulations, maaring makaranas ang Luzon Grid ng yellow alert sa Abril at Mayo dahil sa bumababang capacity level ng mga planta ng kuryente bunsod ng El Niño.

Samantala, magkakaroon naman ang Visayas at Mindanao Grids ng normal reserve level sa ikalawang quarter ng 2024.

Bunsod nito, nanawagan ang DOE sa publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente sa gitna ng paghahanda ng bansa para sa papasok na tag-init.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *