NAKAHINGA ng maluwag ang TV host na si Luis Manzano makaraang ma-clear sa cancer.
Napansin kasi ng hairstylist na mayroong bukol si Luis sa ulo kaya agad itong kumonsulta sa espesyalista at sumailalim sa iba’t ibang tests, kabilang na ang biopsy.
Inamin ng TV host na medyo natakot siya kahit apat na doktor na ang nagsabi sa kanya na malabong cancerous ang nadiskubreng bukol sa kanyang ulo.
Pinakamahirap din aniya sa lahat ay ang paghihintay sa resulta ng mga test, at sa kabutihang palad ay clear siya sa cancer.