MAY alok ang LTO Calbayog District Office – Driver’s Education Center (DEC) ng libreng labinlimang oras na Theoretical Driving Course (TDC) seminar para sa mga aplikante ng student permit.
Nagsimula ito kahapon (Feb. 28) at mayroon pa ngayong Huwebes (Feb. 29), sa LTO Calbayog District Office.
Para maka-avail ng libreng seminar, bisitahin ang Facebook Page ng LTO Calbayog District Office at i-click ang google form link na nakasaad sa post.