Itinalaga ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Lt. Gen. Emmanuel Baloloy Peralta bilang Officer-In-Charge ng Philippine National Police.
Epektibo ang appointment ni Peralta, kahapon, matapos ianunsyo ng Office of the President.
Pinalitan ni Peralta si Benjamin Acorda Jr. na nagsilbing PNP Chief sa loob ng halos isang taon simula April 24, 2023 hanggang March 31, 2024.
Bago ang kanyang appointment, nagsilbi si Peralta bilang PNP Deputy Chief for Administration, na ika-apat sa pinakamataas na posisyon sa National Police Organization.