MAY alok na libreng sakay ang LRT-2 at MRT-3, ngayong Martes, para sa mga seaman bilang bahagi ng selebrasyon ng day of the Filipino Seafarer.
Ayon sa Maritime Industry Authority (MARINA), libre ang sakay ng mga Marino sa LRT-2 simula alas syete hanggang alas nueve ng umaga at simula ala singko ng hapon hanggang alas syete ng gabi.
ALSO READ:
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
2 gwardya sa Intramuros, timbog sa pananakit sa menor de edad
Samantala, magbibigay din ng libreng sakay ang MRT-3, simula alas singko y medya ng umaga hanggang sa matapos ang kanilang operating hours.
Pinaalalahanan ng MARINA ang mga seaman na ipakita ang kanilang valid Seafarer’s Record Book, Identity Document, o kaya ay Identification Booklet, para ma-avail ang libreng sakay.
