NAGPATAWAG ng pulong ang Calbayog City Tourism Office sa hotel association at owners para talakayin ang accreditation procedure ng Department of Tourism.
Layunin nito na mapagbuti ang proseso at matiyak ang pagtalima, at bigyang diin ang kahalagahan ng pagsusumite ng komprehensibong monthly reports.
Ang pagsasanib-pwersa ay upang mapanatili ang standards at mapaghusay ang visitor experience, para sa paglago pa ng tourism industry.