MATAGUMPAY na naisagawa ng Local Civil Registry Office ng Calbayog ang seminar workshop para sa barangay secretaries kaugnay ng kanilang papel sa Civil Registration Procedure.
Ginanap ang aktibidad sa Calbayog City Cultural Convention Center sa Barangay Capoocan.
Enero pa lamang ay pinadalhan na ng mga imbitasyon ang lahat ng secretaries mula sa isandaan limampu’t pitong barangay sa Calbayog para dumalo sa assembly upang makatanggap ng updates mula sa PSA, at training para sa Basic Civil Registration Processes.