28 April 2025
Calbayog City
National

Loan assistance ng Malasakit Center, peke, ayon sa DOH

PINAG-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pekeng Facebook page na gumagamit sa Malasakit Program Office bilang Loan Centers.

Ayon sa DOH, peke ang nasabing FB page at wala itong kaugnayan sa Malasakit Center Program ng gobyerno.

Gamit ang “Malasakit Center” na pangalan, nag-aalok ang page ng emergency loan sa mga nangangailangan ng pambayad sa hospital bills.

Ginagamit din ng nasabing page ang opisyal na logo ng Malasakit Center.

Paalala ng DOH, maaaring masampahan ng kasong kriminal ang sinumang nasa likod ng nasabing page.

Paalala ng DOH sa publiko, mag-ingat sa mga nababasang impormasyon sa social media.

Tiyakin na sa mga lehitimong sources at platforms lamang kukuha ng mga impormasyon.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *