GUILTY ang ipinataw ng Navotas Court sa isang Police Staff Sergeant sa kasong homicide sa kaugnay ng pagpaslang kay Jerhode “Jemboy” Baltazar noong August 2023.
Si Jemboy ang disi-syete anyos na napagkamalan umano ng mga pulis na suspek sa krimen na kanilang hinahabol, sa Barangay NBBS Kaunlaran.
Sa desisyon ng Navotas Regional Trial Court Branch 286, guilty sa homicide si Police Staff Sergeant Gerry Maliban, na unang nagpaputok ng baril, habang abswelto naman si Police Staff Sergeant Antonio Bugayong.
Guilty naman sa illegal discharge of firearms sina Police Executive Master Sergeant Roberto Balais, Police Staff Sergeant Nikko Esquilon, Police Corporal Edmard Jade Blanco, at Patrolman Benedict Mangada.