28 April 2025
Calbayog City
National

Libo-libong trabaho sa Israel, naghihintay sa mga Pilipino sa sandaling bawiin ang alert level 2

israel

Inanunsyo ng embahada ng Israel sa Pilipinas ang pagbubukas ng libo-libong trabaho para sa mga dayuhang manggagawa.

Kasunod ito ng pag-alis ng maraming migrant workers sa Tel Aviv, bunsod ng nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Israel at grupong hamas.

Gayunman, sinabi ni Israeli Ambassador Ilan Fluss (i-lan flas) na depende ang deployment ng pinoy workers sa gobyerno ng Pilipinas na naglagay sa Israel sa ilalim ng alert level 2.

Inihayag ni Fluss (flas) na mas gusto nila ng mga Pinoy na caregivers dahil mahusay sa wikang ingles at inilarawan niya bilang “kindest people in the world.”

Bukod sa caregivers, kabilang sa mga trabahong iniaalok ng Israel ay sa mga hotel, agriculture, at construction industries.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *