LIBO-libong deboto ang nagtipon-tipon sa palibot ng Quiapo Church sa Maynila sa pormal na pagsisimula ng mga aktibidad at misa para sa Kapistahan ng Itim na Nazareno.
Kahapon araw ng linggo, Jan. 7 ay libo-libong deboto na ang nasa Plaza Miranda at sa mga lansangan sa palibot ng simbahan.
Patuloy ang paalala ng pamunuan ng simbahan ng Quiapo, gayundin ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga deboto na magsuot ng face mask.
Ito ay upang maiwasan ang paghahawaan ng anumang sakit sa mga aktibidad para sa Pista ng Black Nazarene.