INAMIN ng four-time NBA Champion na si Lebron James na wala pa siyang timetable sa pagre-retiro sa basketball.
Gayunman, sinabi ni James na nais pa niyang maglaro sa Paris Olympics at tapusin ang kanyang playing days bilang Los Angeles Laker.
Inanunsyo ng trenta’y nueve anyos na Superstar at 4-time NBA Most Valuable Player na ikinu-konsidera niyang tapusin ang kanyang karera, sa Indianapolis, bago ang 73rd NBA All-Star Game kung saan napili siyang maglaro para sa record na ika-dalawampung beses.
Aminado si James na hindi pa niya alam kung ilang seasons pa ang natitira para sa kanya, subalit batid niya na hindi na ito ganoon karami.