22 April 2025
Calbayog City
National

Laperal mansion at 3 pang mansyon sa Malakanyang, binuksan muli para sa mga bisitang foreign heads of state at diplomats

laperal mansion

Binuhay ni pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang laperal mansion at tatlong iba pang mansyon sa palasyo ng Malakanyang para sa mga bibisitang foreign heads of state at diplomats.

Ayon sa Presidential Communications Office, mismong si First Lady Liza Marcos ang nag-tour sa mga diplomats sa laperal mansion, goldenberg mansion na dating presidential guest house, sa 19th-century home na teus mansion na kasalukuyag nagsisilbing presidential museum at bahay ugnayan.

Nabatid na inayos ang tatlong mansyon para gawing museums. Bukas din ito sa publiko at walang bayad sa pagpasok.

Ipinakita ng first lady ang laperal mansion, na crown jewel ng group of residences.

Ibinida dito ang higanteng European-inspired mansion na naglalaman ng labing apat na kwarto at dalawang sun rooms na ipinangalan sa mga dating pangulo ng bansa.

Kasama rin sa laperal mansion ang tatlong state rooms na ipinangalan kina Magellan, Macarthur at Rizal.

Magsisilbi ang  laperal mansion na official presidential guest house ng foreign heads of state o government.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *