PASOK ang Lalawigan ng Samar sa 2023 Seal of Good Local Governance (SGLG).
Kabilang ang Samar sa dalawampu’t walong Provincial Local Government Units na nakapasa sa mabusising pag-audit ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Inilarawan ni Samar Governor Sharee Ann Tan ang Seal of Good Local Governance bilang isang prestihiyosong award mula sa DILG at ang landas para mabigyan ng pagkilala ay hindi madali dahil pinagtrababuhan itong mabuti ng lahat upang maging karapat-dapat sa naturang karangalan.
Ipinagkakaloob ng DILG ang SGLG Award sa mga LGU bilang pagkilala sa kanilang excellent public service at local governance.