PATAY ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga Pulis sa ikinasang buy-bust operation sa Bayan ng Calbiga, sa Samar.
Ayon sa Calbiga Police, natunugan ng suspek na kinilala lamang sa alyas na “Oming,” na Pulis ang ka-transaksyon nito na nagpanggap na buyer, kaya mabilis itong tumakas.
Hinabol ng mga Pulis ang lalaki subalit pinaputukan sila nito ng baril dahilan para gumanti ang mga otoridad.
Narekober mula sa napaslang na suspek ang ilang sachets ng hinihinalang shabu, tatlunlibong pisong cash, isang kalibre kwarenta’y singko, at magazine na may pitong bala.