IPINAGDIWANG ng Provincial Government ng Samar sa pakikipagtulungan ng DOLE Samar Field Office at Munisipalidad ng San Jorge, ang Labor Day kahapon sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad na naglalayong isulong ang employment at livelihood opportunities.
Kinabibilangan ito ng Job Fair, Kadiwa ng Pangulo Program, TUPAD, at Livelihood Distribution Initiatives.
Binigyang diin ng sama-samang pagkilos ang commitment ng pamahalaan na suportahan ang mga manggagawa at pagbutihin ang resilience sa loob ng komunidad.