Nagdulot ng sakit sa mga seaweed sa Northern Samar ang napakainit na temperatura nitong katatapos lamang na tag-init dahilan para itigil ng mga magsasaka ang pagha-harvest ng naturang marine plants.
Ayon sa Provincial Agriculture Office, simula noong March 2024 nagdulot ang mataas na temperatura ng outbreak sa iba’t ibang lugar sa Northern Samar.
Klase ngan trabaho sa gobyerno sa Samar suspendido sa Lunes ngan Martes tungod san Bagyong Tino
Kapitan sa Calbayog City patay sa pamusil; live-in partner nakatalwas
Bayan sa Southern Leyte, idineklarang Insurgency-Free
Mga biktima ng Super Typhoon Yolanda, dinalaw ng kanilang mga pamilya sa Mass Grave sa Tacloban City
Sinabi ni Provincial Agriculture Officer Jose Luis Acompañado, na naging consistent na lagpas sa 40 degrees celsius hanggang 49.3 degrees celsius ang temperatura kaya unfeasible ang seaweed production.
Paliwanag ni Acompañado, nagkakaroon ng ice-ice disease kapag nagbago ang salinity, ocean temperature at light intensity dahilan para ma-stress ang seaweeds.
Ang kondisyong ito aniya ay nag-a-attract ng bacteria sa tubig at nagdudulot ng pamumuti at paninigas sa tissues ng seaweeds.
Lumitaw sa initial assessment reports na na-obserbahan ang malaking pagkalugi sa karagatang sakop ng Biri, Lavezares, San Antonio, at Capul sa Northern Samar.
