INAMIN ng aktres na si Kylie Verzosa na pinagsisisihan niya ang pinagawa niyang brow microblading o pagpapa-tattoo ng kilay.
Sa tiktok, isiniwalat ng Miss International 2016 na ongoing ang pagpapatanggal sa pinagawa niyang brow tattoo, makalipas ang siyam na taon.
ALSO READ:
Rochelle Pangilinan, nagbabala laban sa fake Sexbomb Reunion Concert tickets
Rob Deniel, magkakaroon ng solo concert sa Araneta Coliseum sa Pebrero
K-Pop Group na TWICE, nag-donate ng 7.6 million pesos para sa mga biktima ng sunog sa Hong Kong
VIVAMAX actress, ibinulgar ang indecent proposal mula sa mayor at senador
Sinabi ni Kylie, na nakatulong ang microblading sa kanyang kilay noong kanyang pageant days dahil napadali nito ang kanyang makeup routine.
Gayunman, inihayag ng former beauty queen na nasulit na niya ang paggamit dito kaya ngayon ay handa na niya itong i-let go.
Ang brow microblading ay isa sa mga pinakasikat na semi-permanent cosmetic procedures sa mga nakalipas na taon.
