ITINAKDA ng Korean actor na si Ma Dong Seok, na kilala rin bilang Don Lee, at Model-actress na si Ye Jung Hwa, ang kanilang official wedding ceremony sa Mayo, tatlong taon pagkatapos nilang lagdaan ang kanilang marriage papers.
Ibinahagi ng isang kinatawan mula sa agency ng couple na Big Punch Entertainment, sa Korean outlet na Chosun.com, na magpapakasal ang dalawa sa Seoul.
Magiging pribado umano ang seremonya na hindi pa tukoy ang eksaktong petsa, subalit ayon sa iba pang sources ay gaganapin ang kasal sa May 26.
Unang inanunsyo ng couple ang kanilang relasyon noong 2016, at matapos ang limang taong pagde-date ay napaulat na ni-rehistro ng dalawa ang kanilang kasal noong pandemic.