Ini-award ng COMELEC ang 17.99 billion pesos na kontrata para sa vote counting machines na gagamitin sa 2025 National and Local Elections sa nag-iisang bidder na Miru Systems ng South Korea.
Sinabi ni COMELEC Chairman George Garcia na nagpasya ang Poll En Banc na i-adopt ang rekomendasyon ng special bids and awards committee at ang findings ng technical working group.
Idinagdag ni Garcia na iparerenta ng Miru sa COMELEC ang 110,000 na mga makina at iba pang kagamitan sa eleksyon, gaya ng ballot boxes, laptops, at iba pang printing requirements para sa 2025 elections.