IKINATUWA ng Department of Trade and Industry (DTI) ang gumandang performance ng exports noong Enero.
Ayon sa DTI, lumobo ng 9.1 percent ang kinita sa exports ng bansa, kabaliktaran ng 0.5 percent na pagbaba noong December 2023 at 10.6 percent noong January 2023.
Samantala, bumaba pa sa 7.6 percent ang imports noong Enero mula sa 3.5 percent na naitala noong Disyembre ng nakaraang taon.
Sinabi ni DTI Officer-In-Charge Ceferino Rodolfo, na umangat ang exports sa tulong ng electronic sector.