Looking forward si Kim Chiu sa susunod na kabanata ng kanyang buhay matapos matapos matagpuan ang kalakasan sa pamamagitan ng pagpili sa kanyang sarili, sa pagdiriwang ng month love nang mag-isa.
Sa kanyang Instagram account, ipinaalala ni Kim sa fans na piliin ang kanilang sarili sa pagsasabing “choose you. Because when you start choosing you, you start attracting everything that is also choosing you.”
Bumati rin ang aktres ng “happy love month” sa lahat na nilagyan niya ng hashtag ng kanyang apelyido na #choosechiu.
Ipinagdiwang ni Kim ngayong taon ang unang Valentine’s Day bilang single matapos kumpirmahin na hiwalay na sila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim noong Disyembre.