NAKAHABOL ng goal pero kinapos pa rin ang Kaya-Iloilo laban sa Yokohama F. Marinos, sa kanilang paghaharap sa Asian Football Confederation (AFC) Champions league, sa Rizal Memorial Stadium.
Nagtapos ang laban ng dalawang koponan sa 2-1 pabor sa Japanese side.
Ang Philippine Football League winner at finalist sa Copa Paulino Alcantara ay natalo sa ika-apat na pagkakataon sa maraming laban sa Group G.
Bagaman eliminated na para makalagpas sa group stage, mayroon pang natitirang dalawang laro ang Kaya-Iloilo sa Champions League Campaign.
Magtutungo sila sa Jinan, China sa Nov. 28 para harapin ang Shandong at sa South Korea para naman harapin ang Incheon United sa Dec. 12.