BINUKSAN na ang unang lung transplant sa bansa.
Pinasinayaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang launching ng Lung Transplant Program ng Lung Center of the Philippines sa Quezon City.
Ayon kay Pangulong Marcos, isang malaking breakthrough ang pagkakaroon ng lung transplant sa bansa.
Pinasalamatan din ni Pangulong Marcos ang healthcare professionals sa patuloy pagbibigay serbisyo sa taong bayan.
Si Pangulong Marcos ang ikalawang pangulo ng bansa na bumisita sa Lung Center kasunod ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr.
Taong 1998 pa may nakapila na sana sa lung transplant subalit nasunog ang Lung Center of the Philippines.
Inuna muna ang pag-aayos nito bago ang lung transplant.
Nangako si Pangulong Marcos na magtatag ng 179 na medical specialty centers bago matapos ang administrasyon sa 2028.
Pito sa naturang specialty centers ang laan para sa lung care centers.