15 February 2025
Calbayog City
Province

Kaso ng Heat Stroke sa mga Manok, kumpirmado sa Pangasinan

KINUMPIRMA ng Pangasinan Provincial Veterinary Office (OPVET) ang mga kaso ng  heat stroke sa poultry sa gitna ng nakapapasong init na nararanasang sa lalawigan at sa iba pang bahagi ng bansa.

Batay sa datos ng PAGASA, naitala ang pinakamataas na 51 degrees celsius na heat index sa Pangasinan noong April 29, 2024.

Ayon kay Dr. Aracely Robeniol, Officer-In-Charge ng Pangasinan Veterinary Office, ilang mga manok ang bigla na lamang bumagsak at nangamatay bunsod ng napakatinding init ng panahon.

Aniya, exposed talaga sa sobrang init ang mga manok, at hindi na sila nabibigyan ng regular na inuming tubig ng mga backyard raiser.

Inabisuhan naman ang mga poultry farm owner na magpatupad ng preventive measures upang maiwasan na tumaas ang chicken mortality ngayong mainit ang panahon.

Tiniyak ng OPVET na may sapat pa ring supply ng manok sa merkado.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *