21 May 2025
Calbayog City
Local

Karagdagang mga pulis na ipinakalat sa ika-3 distrito ng Leyte, magbibigay ng kapanatagan sa mga residente

TIWALA ang mga alkalde sa Ikatlong Distrito ng Leyte na sa pamamagitan ng mga karagdagang pulis sa kani-kanilang munisipalidad ay mababawasan ang pangamba ng mga residente kasunod ng mga pagpaslang na kinasangkutan ng mga opisyal ng barangay. 

Sinabi ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla na inihayag ng mga lokal na opisyal mula sa limang bayan ang security concerns sa Provincial Peace and Order Council (PPOC) kamakailan, kasunod ng serye ng pamamaril noong nakaraang buwan na ikinasawi ng limang barangay officials.

Sakop ng ikatlong distrito ang mga bayan ng San Isidro, Tabango, Villaba, Leyte, at Calubian.

Noong March 9 ay nag-deploy ang provincial police ng Leyte ng tatlundaan walumpu’t siyam na karagdagang pulis upang palakasin ang law enforcement operations.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *