27 April 2025
Calbayog City
National

Kamara naghahanda na para sa isasagawang pagdinig sa umano’y katiwalian sa PUV Modernization Program

NAGHAHANDA na ang House Committee on Transportation para sa hearing sa umano’y katiwalian sa Public Utility Vehicle Modernization Program.

Ayon kay Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop, Chairman ng komite, sisimulan nila ang kanilang pagsisiyasat sa miyerkules, batay sa kahilingan ni House Speaker Martin Romualdez.

Lumutang ang mga alegasyon na mayroong iregularidad sa modernization program noong Oktubre ng nakaraang taon, subalit binawi kinalaunan ng empleyado ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang binitawan nitong mga akusasyon.

Sinabi ni Acop na kung ipatutupad ang modernisasyon sa mga jeep, dapat matiyak na wala itong bahid ng iregularidad.

donna cargullo

Chief News Correspondent
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *