PINANGUNAHAN ni Calbayog City Raymund “Monmon” Uy ang 1st quarter meeting ng Joint Local Council for the Protection of Children (LCPC) at Local Council Against Trafficking in Persons and Violence Against Women and their Children (LCAT-VAWC).
Sa pulong ay nagtipon-tipon ang mga pangunahing stakeholders at mga opisyal para talakayin ang mahahalagang isyu na may kaugnayan sa child protection, trafficking, at violence against women and children.
Ginagampanan ng LCPC at LCAT-VAWC ang importanteng papel sa pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng kabataan, pati na ang paglaban sa trafficking at karahasan sa Cabayog City.
Bilang pinuno, tiniyak ni Mayor Mon ang kanyang commitment na tugunan ang mga naturang isyu, kasabay ng pag-garantiya sa kaligtasan at seguridad ng pinaka-bulnerableng miyembro ng lipunan.