PINANGUNAHAN ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang 2nd Quarter Meeting ng Local Council for the Protection of Children (LCPC).
Ginanap ito sa CEO Conference Room, noong Biyernes, April 26.
Sumentro ang pulong sa pagtalakay at pagpa-plano ng mga hakbang para protektahan at isulong ang kapakanan ng mga bata sa komunidad.
Binigyang diin din sa meeting ang kahalagahan ng child protection, pati na ang pagsusulong sa karapatan ng mga bata.